Trust Me and Be My Love

Image

 

 

 

 

The day that my heart beats,

There is no one it wanted more than you

Though many wanted to own it,

It hears no one, but only you.

 

 

I never knew what love is all about.

But when you came into my life,

I felt something I can’t explain,

Only now I realized,

What I felt for you is love.

 

I knew you have doubts

Whether or not I care a lot

But all you have to do is forget the past–

And face what’s here today and start anew.

 

Trust me and be my love

Only to you I’ll give my heart

Let us work together, hand in hand

And forever, be together through life.

 

 

(Found these from my old scribbles, way, way back during college days)

Pagbabalik sa Nakaraan

Unti-unting napapalitan ng dilim ang kalangitan ng binabagtas ko ang makipot na daan. Ang kaninang animo’y isang malaking bolang kahel na liwanag na nakatago sa maninipis na ulap ay malapit nang mawawala sa kalangitan, hudyat ng pagtatapos na naman ng isang araw na nagdaan. Panaka-naka’y maaaninag ang mga umaandap na liwanag sa pagitan ng malalagong dahon na tila nakadungaw at pilit na nilalabanan ang nalalapit na pagsakop ng dilim.

Sa loob ng mahigit dalawampung taon, ito ang unang pagkakataon na tumapak ang aking paa sa lugar na kung saan unang namulat ang aking isipan. Halos wala pa ring pinagbago ang lahat. Nariyan pa rin ang malalagong puno na nakahilera sa daanan. Lalong nagiging madilim ang tinatahak kong mabatong daan dahil sa mga dahon na tila pinapayungan ang buong daanan. Subalit ang mga lilim ng mga punong ito ay malaking tulong upang bahagyang maibsan ang mainit na sikat ng araw.

Larawan pa rin ang lugar na ito ng isang payak na pamumuhay, sa kabila ng mga makabagong pamamaraan na nakasanayan ko na sa siyudad. Marahil, sa mga unang nakatuntong sa lugar na ito, masasabing malayo ang lugar na ito sa kabihasnan at tila napag-iwanan na. Hindi naman kalayuan ang lugar na ito mula sa kabisera ng lungsod, kaya’t nakapagtataka kung bakit tila nakalimutan na ito ng pamahalaan. Ito pa rin yung mabatong kalsada na nagiging maliit na ilog sa pagsapit ng tag-ulan. Kaya naman, hanggang ngayon, ang pinaka-mainam na paraan upang marating ang lugar na ito ay sa pamamagitan ng paglalakad.

Hindi ko alam kung ano ang aking madadatnan sa aking pupuntahan. Ngunit iisang bagay lamang ang nag-udyok sa akin upang bumalik sa lugar na matagal ko nang nilisan. Kaya, magkahalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman. At sa bawat paghakbang ay unti-unting nanunumbalik ang maraming alala-ala.

(Itutuloy)